Security capability demonstration, isinagawa isang araw bago ang Boracay reopening

By Isa Avendaño-Umali October 25, 2018 - 01:32 PM

Ngayong bisperas ng muling pagbubukas sa publiko ng Boracay, nagsagawa ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno ng Capability demonstration exercise sa isla.

Sa naturang simulation, nakibahagi ang mga miyembro ng PNP, AFP, Coast Guard, BFP at local authorities.

Sa simulation, may naganap na bomb scenario, hostage-taking, rescue operations at iba pa.

May huey rescue helicopter ng Philippine Airforce ang nagpakita ng search and rescue operations, may speed at rubbers boats din mula sa Coast Guard ang naroroon at nagpamalas din.

Makatotohanan ang mga eksena, na nagpapakita ng mga posibleng mangyari sa panahon ng paghahasik ng terorismo o kahit ano pang sitwasyon na nasa alanganin ang mga tao.

Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde na layon na simulation na ipakita sa lahat na handa ang pamahalaan sa pagtugon sa anumang banta ng terorismo o emergency situation sa Boracay.

Ngayong araw, kapansin-pansin din na dumami ang mga pulis at sundalo na nagbabantay sa iba’t ibang lugar sa Boracay.

Ito ang mahalaga, ani Albayalde, para sa seguridad ng mga residente at mga bisitang nasa isla at mga darating pa kapag nagreopen na ang Boracay.

 

 

TAGS: AFP, albayalde, BFP, boracay, Capability demonstration exercise, coast guard, local authorities, Militar, PNP, AFP, albayalde, BFP, boracay, Capability demonstration exercise, coast guard, local authorities, Militar, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.