Barangay Captain sa Cavite huli sa paggamit ng shabu

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang barangay chairman matapos makitang bumabanat ng shabu.

Nakilala ang suspek na si Barangay Captain Randy Noora ng Barangay Sta. Fe, Dasmariñas, Cavite.

Bukod sa paggamit ng shabu nakita rin sa video na nag-rerepack ang suspek ng droga.

Ayon sa kapitan, siya nga ang nasa video pero matagal na siyang huminto sa paggamit ng droga dahil tumakbo ito noong nakaraang barangay elections at nasundan lamang muli ilang araw pa lamang ang nakalipas.

Nakuha mula rito ang 14 na pakete ng hinihinalang shabu, P500 na marked money, mga drug paraphernalia at baril.

Read more...