Energy security strategy, pinabubusisi ni Sen. Sherwin Gatchalian

By Jan Escosio October 25, 2018 - 11:12 AM

Inquirer File Photo

Naghain ng resolusyon si Senator Sherwin Gatchalian para mabusisi sa Senado ang istratehiya ng Department of Energy (DOE) para matiyak ang suplay ng enerhiya sa bansa kasabay nang paglobo ng halaga ng langis sa pandaigdigang-merkado.

Sinabi ni Gatchalian layon ng kanyang Resolution 916 na magkaroon ng pamamaraan para hindi iniaasa na lang sa langis ang malaking bahagi ng suplay ng enerhiya sa bansa.

Dagdag pa nito, napakahalaga ng tiyak na suplay ng enerhiya dahil lubhang apektado ang ekonomiya at ang mamamayan sa pagtaas ng halaga ng langis sa world market.

Sinabi nito na simula lang noong nakaraang Hulyo, P5.45 at P6.30 na ang nadagdag sa kada litro ng krudo at gasolina bunga ng fuel excise tax na nakapaloob sa TRAIN Law.

Sinabi pa ng senador na nakadagdag pa sa mataas na inflation rate ang serye ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

TAGS: Department of Energy, langis, pandaigdigang-merkado., Resolution 916, Sen. Sherwin Gatchalian, Department of Energy, langis, pandaigdigang-merkado., Resolution 916, Sen. Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.