Veteran journalist Inday Espina-Varona shortlisted sa RSF Awards

By Erwin Aguilon October 25, 2018 - 11:28 AM

Napabilang sa shortlist para sa prestihiyosong Reporters Without Boarders 2018 Press Freedom o RSF Awards ang beteranong mamamahayag na si Inday Espina-Varona.

Ayon sa RSF, labindalawang mamamahayag, non-government organizations at media-outfits ang nominado sa tatlong kategorya para sa RSF Press Freedon Awards.

Kabilang sa mga kategorys ang courage, impact at independence na ilalagay sa Getty Images Gallery sa November 8 sa London.

Isang special ‘L’esprit de RSF’ prize din ang nilikha para sa media sa United Kingdom bilang simbolo ang paghost ng London sa patimpalak.

Ayon kay Christophe Deloire, secretary general ng RSF ang mga kasama sa shortlist ay sumasalamin sa hinarap na pagsubok ng mga matatapang na mga mamamahayag mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Si Espina-Varona, na napabilang sa shortlist sa ilalim ng independence category kung saan iniulat nito ang mga isyu may kinalaman sa child prostitution, violence against women, lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT) at Moro Islamic Liberation Front sa Mindanao.

Nagpasalamat naman ito sa pagkakasama niya sa shortlist ng mga awardees ngayong taon sabay sabing ito ay inspirasyon din sa kanya na patuloy na ipaglaban ang freedom of expression sa harap ng pag-atake sa media.

TAGS: Inday Espina-Varona, RSF Awards, shortlisted, veteran journalist, Inday Espina-Varona, RSF Awards, shortlisted, veteran journalist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.