Pangulong Duterte hindi bibisita sa Amerika

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailanman ay hindi na siya muling bibisita sa Amerika.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Malakanyang sinabi nito na may ipinadalang imbitasyon sa kanya sina United States Secretary of State Mike Pompeo at Defense Secretary James Mattis Commerce Secretary Wilbur Ross na bumisita sa Amerika subalit kanya itong tinanggihan.

Ikinadidismaya ng pangulo ang hindi pag-apruba ng Amerika sa binibiling armas ng Pilipinas.

Para sa pangulo, tapos na sa kanya ang Amerika.

Bukod sa Amerika, nagagalit din ang pangulo sa Canada dahil sa pagtanggi na magbenta ng attack helicopter.

Matatandaang makailang beses nang ipinagyabang ni Pangulong Duterte na bestfriend na ang kanyang turing kay US President Donald Trump.

Read more...