Customs Chief Lapeña: Hindi ako bumaligtad

Inquirer Photo

Itinanggi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na nag-iba siya ng pahayag kaugnay sa natagpuang magnetic lifters sa GMA, Cavite na sinasabing naglalaman ng P6.8B halaga ng shabu.

Ayon kay Lapeña, hindi naman niya sinabi noon na wala talagang laman ang nasabing magnetic lifters bagkus ang sinabi niya ay walang nakitang droga sa loob nito.

Paliwanag nito, sa isinagawang swab test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) lumabas na negatibo ang mga magnetic lifters sa droga.

Sinabi nito na hihintayin din niya ang magiging resulta ng imbestigasyon na isinasagawa ng Kamara at Senado kaugnay sa usapin.

Sa naging pagdinig ng Kamara kahapon binanggit ni Lapeña na naniniwala na siya na mayroon lamang shabu ang natagpuang abandonadong magnetic lifters sa lalawigan ng Cavite.

Read more...