1.7M halaga ng shabu nasabat sa buy bust operation sa Cebu

By Rose Cabrales October 25, 2018 - 10:21 AM

Arestado ang dalawang drug suspects sa buy bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Consolacion Police Station Sitio Purok 1, Barangay Nangka, Consolacion, Cebu.

Nakilala ang mga naaresto na sina Rosemarie Caballero, 35 taong gulang at kanyang kasama na na nakilala sa pangalang Ulrich Guaca, 38 taong gulang.

Ayon kay Chief Insp. Gerard Ace Pelare, Consolacion Police Station chief, mula sa Barangay Basak, Mandaue City si Caballero at sinasabing may contact sa loob ng Cebu City Jail.

Nagtungo umano si Caballero sa bayan ng Consolacion alas-9 gabi ng Miyerkules, October 24 para mag-deliver ng droga kay Guaca nang maaresto ng mga otoridad.

Nakumpiska sa dalawa ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 1.7 milyon pisong na pinaghihinalaang galing sa boyfriend ni Caballero na nakakulong sa Cebu City Jail.

Nakadetine na ngayon sa Consolacion Police Station ang mga naarestong drug suspects at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: 1.7M halaga ng shabu, 150 gramo ng hinihinalang shabu, 2 drug suspect arestado, buy bust operation, cebu, cebu city jail, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, 1.7M halaga ng shabu, 150 gramo ng hinihinalang shabu, 2 drug suspect arestado, buy bust operation, cebu, cebu city jail, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.