PUBLIC SERVICE: Bahagi ng Cavite at Laguna mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2018 - 08:43 AM

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Cavite at Laguna.

Alas-10 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang nakatakdang power interruption san a makaaapekto mga barangay sa Maragondon at Naic sa Cavite.

Ito ay dahil sa line conversion work ng Meralco sa Bancaan – Malainen Luma Road sa Bgy. Malainen Bago.

Samantala, sa parehong oras din may nakatakdang power interruption sa Victoria Laguna.

Apektado nito ang maraming lansangan na sakop ng Barangay San Roque.

Dahil naman ito sa pagpapalit ng poste sa kahabaan ng M.L. Quezon at Fernandez Sts. sa Barangay San Roque.

TAGS: Cavite at Laguna, mawawalan ng suplay ng kuryente, meralco, ngayong araw, power interruption, Cavite at Laguna, mawawalan ng suplay ng kuryente, meralco, ngayong araw, power interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.