Drug den na katabi lang ng bahay ng kapitan ng barangay sinalakay sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2018 - 07:16 AM

Sinalakay ng mga tauhan ng Manila Police District Station 7 ang isang drug den sa Abad Santos, Tondo Maynila.

Ang drug den ay katabi lamang ng bahay ng kapitana sa Barangay 212 na si Carmelita Francisco.

Naaresto ang anim na katao kabilang ang isang tanod sa naturang drug den matapos silang makuhanan ng walong sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Francisco, pinagsasabihan naman niya ang mga suspek na tigilan na ang gawain.

Itinanggi naman ng mga suspek na gumagamit sila ng shabu.

TAGS: Abad Santos, Barangay 212, drug den, Isang tanod at 5 iba pa arestado, kapitana Carmelita Francisco, katabi lang ng bahay ng kapitan, MPD Station 7, Tondo. Maynila, Abad Santos, Barangay 212, drug den, Isang tanod at 5 iba pa arestado, kapitana Carmelita Francisco, katabi lang ng bahay ng kapitan, MPD Station 7, Tondo. Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.