Surigao Del Norte at Ilocos Norte niyanig ng lindol
Magkasunod na pagyanig ang naitala sa Surigao del Norte at Ilocos Norte ngayong HUwebes ng umaga.
Unang niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Burgos sa Surigao del Norte.
Naitala ang lindol alas 4:44 ng umaga kanina, (Huwebes, Oct.25) sa 38 kilometrs North east ng Burgos.
13 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Samantala, alas 5:01 naman ng umaga nang tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa bayan ng Pagudpud sa Ilocos Norte.
Naitala ang epicenter ng lindol sa 41 kilometers north west ng Pagudpud.
5 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin.
Kapwa hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.