Utang ng AFP sa mga electric cooperative pinababayaran na ngayong taon

Aminado ang mga electric cooperatives, na pinagkakautangan ng mahigit P10 milyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na hindi nila maputulan ng kuryente ang mga kampo ng militar dahil baka sila masisi kapag nagkaroon ng aberya sa seguridad.

Nilinaw ni National Sssociation of General Managers of Electric Cooperatives (NAGMEC) president Sergio Dagooc, kaya umabot ng mahigit P10 milyon ang utang ng AFP ay dahil hindi nila magawang putulan ng kuryente ang mga kampo nito, lalo na nasa Mindanao region.

Maliban sa AFP, hindi rin nakabayad ng bill sa kuryente ang Philippine National Police (PNP) na may P5.3 milyon maging ang Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon naman kay PHILRECA executive director Janeene Depay-Colingan, hindi sila nagkulang sa paniningil sa mga ahensyang ito ng gobyerno, pero kadalasan pirma lang ang problema.

Nais ng mga electric cooperative na mabayaran na sila bago matapos ang taon at baka mapilitan na silang putulan ng kuryete ang mga sangay ng pamahalaan na hindi nagbabayad ng electric bill.

Read more...