Pangulong Duterte namagitan na sa away nina Aquino at Lapeña
Sinaway na ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino and Bureau of Customs chief Isidro Lapeña na patuloy na nagsisihan sa pagkakapuslit sa bansa ng P6.8 bilyong shabu shipment.
Sa talumpati kagabi ng pangulo, sinabi nito na naniniwala naman siya sa integridad ni Lapeña sa kabila ng paninisi ni Aquino sa shabu shipment.
Bilib din ang pangulo sa kakayahan ni Aquino.
Dagdag ng pangulo, sa halip na patayin ang mga drug suspect, nagtuturuan na lamang aniya ang dalawang opisyal.
Una nang sinabi ni Lapeña na walang lamang shabu ang nadiskubreng magnetic lifters sa Cavite subalit kalaunan ay binawi rin nito ang kanyang pahayag.
“Lapeña is good. He has been with me, he has served Davao city for more than 15 years… Pati iyan si Aaron. Kaya nalulusutan sila, instead of killing the idiots, sila nagtuturuan. Stop blaming each other,” ani Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.