Pangulong Duterte sa maitim niyang mukha: ‘Baka karma na rin’

By Rhommel Balasbas October 25, 2018 - 12:41 AM

‘Baka karma na rin’.

Ito ang pakiramdam ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit mayroon siyang black spots sa kanyang mukha.

Sa kanyang talumpati kahapon sa Philippine Quality Award Conferment Ceremony sa Heroes Hall sa Malacañan, maging ang pangulo ay hindi pinalampas ang pag-itim ng kanyang mukha.

Anya, baka karma na niya ang pagtagal ng sunburn na nagdulot ng pangingitim sa kanyang mukha.

“Matagal na itong sunburn ko. Ewan ko kung bakit. Baka karma na rin,” ani Duterte.

Nauna nang sinabi ng pangulo na ang pangingitim ng kanyang mukha ay bunsod ng sunburn sa kanyang pagbisita sa Israel at Jordan.

Sa isang talumpati din kahapon sa conferment ceremony ng National Artist award, iginiit ni Duterte na hindi siya mabuting tao at ’killer’, at hindi siya hihingi ng paumanhin para rito.

“Masama ugali ko. Killer ako, mas lalo na,” ayon sa pangulo.

Tinutukoy ng pangulo ang kanyang matapang na pagpapatupad ng giyera kontra droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.