Pulis at walong iba pa arestado sa magkakahiwalay na drug operation sa QC

By Justinne Punsalang October 25, 2018 - 03:57 AM

Contributed photo

Naaresto ng mga otoridad ang may kabuuang siyam katao, kabilang ang isang nag-AWOL na pulis, matapos magkasa ng magkakahiwalay na drug operation sa lungsod Quezon.

Unang nahuli si John Frederick Santos at isang menor de edad na binata matapos mahulihan ng kabuuang 52 sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Barangay Doña Imelda.

Ayon sa pulisya, naaresto ang dalawa matapos itong ireport sa kanila ng isang concerned citizen. Ayon umano sa tip, mayroong nangyayaring transaksyon ng iligal na droga sa lugar na agad bineripika ng pulisya.

Sumunod na naaresto ang mag-live in partner at dalawang kasama na naaktuhang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa Barangay Commonwealth.

Isa rin umanong concerned citizen ang nagreport sa mga kawani ng barangay tungkol sa nagaganap na pot session.

Aminado ang mga suspek na gumagamit sila ng shabu.

Narekober mula sa mga ito ang apat na sachet ng droga.

Sa Barangay Socorro naman ay naaresto ang nag-AWOL o absence without leave na pulis na is PO1 Nad Bernice Vladimir at dalawa pang kasama matapos magkasa ng buy bust operation ang kanyang mga kabaro.

Nabatid na si Vladimir ay dating nakadestino sa Quezon City Police District (QCPD) Station 3 ngunit nag-AWOL noong 2015.

Giit ng mga suspek, bagaman aminadong gumagamit ng shabu ay hindi umano sila nagtutulak nito.

Pitong sachet ng shabu ang narekober mula sa mga suspek.

Lahat ng mga naarestong drug suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.