EPD kasado na para sa undas

By Justinne Punsalang October 25, 2018 - 12:41 AM

Nakahanda na ang buong Eastern Police District (EPD) para sa Undas 2018.

Ayon kay EPD Director, Police Chief Superintendent Barnabe Barba, mula sa kanilang hanay, 800 pulis ang ipakakalat sa 15 mga sementeryo sa silangang bahagi ng Metro Manila, kabilang ang mga lungsod ng Mandaluyon, Marikina, Pasig, at San Juan.

Pagtitiyak ni Barba, pananatilihin ng kanilang mga pulis ang katahimikan at kaayusan sa mga libingan, maging ang seguridad ng mga bibisita dito.

Payo nito na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal upang hindi na maabala pa sa mga entrance ng sementeryo.

Hiningi rin ni Barba ang tulong ng publiko, partikular pagrereport tungkol sa mga matatagpuang kahina-hinalang bagay o kilos sa panahon ng undas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.