Seguridad sa mga airports hihigpitan para sa paggunita ng undas

Inquirer file photo

Sinimulan nang palawigin ang seguridad sa mga paliparan sa bansa bilang paghahanda sa paggunita sa undas ngayong taon.

Sa naganap na kauna-unahang ‘Kapihan sa NAIA’ forum kahapon, sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director-General Don Mendoza na kanya nang ipinag-utos ang implementasyon ng ‘Oplan Ligtas Biyahe.

Layon nitong masiguro ang maayos, ligtas at komportable na biyahe ng mga air passengers.

Anya, natukoy na ang nasa 20 na paliparan sa bansa na tumataas ang bilang ng mga pasahero at ipinag-utos na ang paglalagay ng help desks sa mga ito.

Samantala, sinabi ni Transportation Undersecretary Skee Tamayo na sisimulan na ring ipatupad ang ‘Oplan Undas’ ng kagawaran mula sa Sabado, October 27 hanggang November 5, araw ng Lunes.

Ani Tamayo mayroong bagong bilang x-ray machines at explosive tracking devices ang ilalagay sa mga paliparan.

Giit ng opisyal, laging ikinukonsidera ang kaligtasan ng mga pasahero hindi lamang sa major airports sa bansa kundi maging sa regional airports.

Read more...