M3.7 na lindol tumama sa Davao Occidental

By Justinne Punsalang October 25, 2018 - 02:05 AM

Niynaig ng isang magnitude 3.7 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Naganap ang lindol kaninang ala-1:43 ng madaling araw.

Sa impormasyon na inilabas ng PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa 46 kilometro timog-silangan ng Jose Abad Santos at nasa bahagi ng dagat.

May lalim itong 69 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Walang naitalang intesity ang lindol.

Ayon sa PHIVOLCS, wala rin inaasahang idudulot na pagkasira sa mga ari-arian, maging aftershocks ang lindol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.