Maraming lugar sa Boracay hindi pa handa para sa reopening sa publiko
Maraming establisiyento ang maaaring hindi pa magbukas, sa reopening ng Boracay sa darating na Biyernes.
Sa pag-iikot ng Radyo Inquirer, nakitang sarado pa ang ilang restaurants at hotels sa kahabaan ng Boracay shoreline.
Kabilang na rito ang mga resort ng Henann Group of Resorts, na magugunitang kinastigo ng Department of Environment and Natural Resources o DENR dahil umano sa pamemeke ng compliance certificate.
May barbed wire na iniharang sa resorts ng Henann, pero may mga empleyado pa rin sila na naroroon at naglilinis.
Maliban naman sa naturang resorts ng Henann, sarado pa ang mga fastfood chain at cafes.
May ibang restaurants naman na bagama’t sarado, ay patuloy na isinasaayos, pinipinturahan at nililinis.
Naabutan din ng Radyo Inquirer ang isant front loader at ilang mga manggagawa na hinuhukay ang mga natitirang pundasyon na nakabaon sa bungahin, partikular ang nasa loob ng 30-meter shoreline mark.
Ilang araw bago ang nakatakdang reopening ng Boracay ay may ilang mga turista na sa lugar mula nang magsagawa dito ng dry run ilang araw na ang nakalilipas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.