Duterte: Pagpatay sa mga sangkot sa droga magpapatuloy

By Chona Yu October 24, 2018 - 07:25 PM

Inquirer file photo

“Marami pa akong papatayin”.

Ito ang naging bwelta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa human rights group na patuloy na bumabatikos sa kanyang kampanya kontra sa illegal na droga.

Sa talumpati ng pangulo sa Philippine Quality Award and Conferment Ceremony sa Malacañang, ikinadidismaya ng pangulo ang pahayag ng human rights group na umabot na umano sa 20,000 katao ang anyang ipinapatay dahil sa ilegal na droga.

Ayon s pangulo, dadagdagan pa niya ito dahil hindi niya hahayaan na tuluyang bumagsak ang Pilipinas dahil sa iligal na droga.

Payo pa ng pangulo sa human rights group, manalangin na lamang na maubusan na siya ng oras dahil hindi niya aatras ang kanyang kampanya kontra sa ilegal na droga.

Muli ring nanindigan ang pangulo na hindi niya papayagang makialam sa mga panloob na polisiya ng pamahalaan ang mga nagpapakilalang human rights organization.

TAGS: Droga, duterte, human rights group, Droga, duterte, human rights group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.