Bong Go may kapalit na bilang assistant ni Duterte

Facebook photo

May napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na kapalit ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Ipinakilala ng pangulo ang kapalit ni Go sa kanyang talumpati sa Philippine Quality Award and Conferement Ceremony sa Malacañang.

Bagama’t hindi pinangalanan ni Duterte ang kapalit ni Go, nakilala ito na si Senior Inspector Sofia Loren Deliu na dating contestant ng Miss Earth Philippines beauty pageant.

Si Deliu ay kasalukuyang junior officer sa PNP at miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Inaanak rin siya sa kasal ng pangulo.

Pero sa pakiiipag ugnayan ng Radyo Inquirer kay Go, sinabi nito na kapalit niya si Deliu bilang aide at hindi bilang special assistant to the president.

Ayon kay Go, naipasa na niya sa iba ang kanyang trabaho bilang SAP.

Read more...