BOC official ipina-aaresto ni Duterte dahil sa droga

By Chona Yu, Den Macaranas October 24, 2018 - 06:42 PM

Inquirer file photo

Kaagad na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto kay Customs intelligence officer Jimmy Guban dahil sa pagkakasongkot nito sa ilang iligal na gawain sa Bureau of Customs.

Sinabi ng pangulo na tinutukan niya ang pagdinig ng Kamara kaugnay sa naipuslit na iligal na droga sa BOC sa pamamagitian ng ilang magnetic lifters.

“Tell me who is this guy asking for money, extortion. I will call him here, I’ll have him arrested, kaya iyang si Guban pinapa-aresto ko,” pahayag ng pangulo.

Inutusan ni Duterte si Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na hulihin si Guban at dahil sa tanggapan ng NBI.

Inamin rin ng pangulo na ilang beses na siyang nakatanggap ng intelligence report kaugnay sa pagkakasangkot ni Guban sa illegal drug trade kasama ang ilang opisyal ng PNP.

Kamakailan lang sy isang secret special report ang isinapubliko ng pangulo kaugnay sa pagkakasangot ng ilang tauhan ng pamahalaan sa droga.

Maliban sa droga, sangkot rin umano si Guban sa pagpupuslit ng bigas, bawang, sibuyas at ilan pang kontrabando sa Bureau of Customs.

Sa pagdinig ng Kamara kanina ay lalong nadiin si Guban dahil sa pag-amin niya sa ilang mga kinasasangkutan na iregularidad sa BOC.

TAGS: customs, drugs, jimmy guban, lapeña, magnetic lifter, customs, drugs, jimmy guban, lapeña, magnetic lifter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.