Lapeña: Magnetic lifters posibleng may lamang droga

By Den Macaranas October 24, 2018 - 06:23 PM

Inquirer file photo

Makaraan ang kanyang mga naunang pagtanggi kaugnay sa posibilidad na may nakalusot na droga sa Bureau of Customs sa pagdinig ng Kamara kanina ay biglang nag-iba ang pahayag ni BOC Commissioner Isidro Lapeña.

Sinabi ng Lapeña na posibleng nakalusot ang droga na isinilid sa ilang magnetic lifters na nagkakahalaga ng P6.8 Billion.

“With the circumstantial evidence and testimonies, as an investigator, I will tend to believe na indeed may laman yan sir,” tugon ni Lapeña sa tanong ng ilang mga kongresista.

Pero binigyang-diin ng opisyal na walang laman na droga ang ilang magnetic lifters nang ito ay suriin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigan ng Cavite.

Ito ay sa kabila nang pag-upo ng drug sniffing dogs ng PDEA sa tabi ng nasabing magnetic lifters.

Sa naturang pagdinig ay ipinaliwanag rin ni dating BOC X-ray project Chief Maria Lourdes Mangaoang na positibong may lamang droga ang nasabing mga magnetic lifers base sa kanyang personal na pag-analisa sa mga kuha ng X-ray film.

Bilang isang eksperto ay alam daw niyang may itinatago sa loob ng nasabing mga kontrabando nang ito ay ipasok sa bansa.

TAGS: BOC, drugs, lapeña, magnetic lifters, mangaoang, BOC, drugs, lapeña, magnetic lifters, mangaoang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.