Pinuno ng PNPA sibak dahil sa oral sex scandal
Sinibak na ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Chief Supt. Joseph Adnol, Director ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nahaharap ngayon sa bagong kontrobersiya.
Ginawa ito ni DILG Officer-in-Charge Eduardo Año kasunod ng pagkakabunyag ng dinumano’y pagpapataw ng parusang oral sex ng mga senior cadets ng PNPA sa mga underclassmen nito kamakailan.
Ito ay habang isinasailalim sa imbestigasyon ang diumanoy oral sex scandal sa PNPA.
Ang kaso ay may kaugnayan sa pag-uutos ng tatlong kadete sa dalawang plebo na magperform ng oral sex bilang parusa sa mga paglabag nito sa kanilang alituntunin.
Muling inulit ng pinuno ng DILG na bawala ng anumang uri ng hazing sa loob ng PNPA.
Una nang ipinag-utos ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa PNP-Directorate for Intelligence and Detective Management ang pag-iimbestiga sa nasabing kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.