LTFRB: November 3 fare increase sa jeepney at bus baka hindi matuloy

Hindi isinasantabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibilidad na maantala ang implementasyon ng dagdag pasahe sa jeepney at bus na nakatakdang ipatupad sa November 3.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra naghain kasi ng motion for reconsideration ang commuters group na galing Camarines Norte na United Filipino Consumers and Commuters .

Ayon kay Delgra, palagian nang naghahain ng mosyon ang grupo tuwing may ipinatutupad na dagdag pasahe.

Nakatakdang talakayin bukas ng LTFRB ang mosyon na inihain ng oppositor.

Pipilitin aniya ng kanilang hanay na desisyunan ang mosyon sa loob ng labing limang araw para mahabol ang dagdag pasahe na ipatutupad na November 3.

Matatandaan na noong October 15 naisagawa ang publication ng fare increase at labing limang araw pagkatapos ng pagkakalathala ay saka magiging epektibo ang dagdag pasahe

Sampung piso ang minimum na pasahe sa jeepney habang P13 naman ang minimum na pasahe sa airconditioned bus base sa advisory ng LTFRB.

Read more...