Mangaoang pumalag na sangkot siya sa paninira kay Lapeña

By Den Macaranas October 24, 2018 - 03:03 PM

Inquirer photo

Nilinaw ni dating Bureau of Customs X-ray inspection project chief Ma. Lourdes Mangaoang na hindi totoong kasama siya sa demolition job para sirain ang pangalan ni Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Sa imbestigasyon ng House Committee on Dangerous Drugs at Good Government and Public Accountability, sinabi ni Mangaoang na hindi niya alam kung mayroon mang grupong nasa likod ng mga paninira sa BOC official.

Nilinaw pa ng nasabing whistleblower na siya ang biktima ng maling mga paratang at paninira ng mismong kampo ni Lapeña.

Nauna nang sinabi ni Mangaoang na may nakitang shabu sa pagsalang ng ilang magnetic lifters na napunta sa lalawigan ng Cavite.

Bilang isang X-ray expert at mahusay na customs investigator ay nanindigan si Mangaoang na hindi siya pwedeng magkamali sa kanyang findings base sa mga impormasyon na kanyang hawak sa kasalukuyan.

Sa pagdinig ng Kamara ay muntik pang mag-walk out si Mangaoang  dahil siya daw ang nadidiin sa kontrobersiya samantalang siya ay inimbitahan sa pagdinig bilang isang resource person.

Nauna nang sinabi ni Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop na kwestiyunable ang pagkatao ni Mangaoang.

Samantala sa nasabi ring pagdinig ay sinabi ni Lapeña na umaabot sa P20 Million ang pondo para sirain ang kanyang pangalan ay piliti siyang isangkot sa illegal drug trade.

Nakuha umano niya ang nasabing mga impormasyon base sa ilang mapagkakatiwalaang sources.

TAGS: acop, Congress, drugs, lapeña, magnetic lifters, mangaoang, shabu, acop, Congress, drugs, lapeña, magnetic lifters, mangaoang, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.