Ipinagkaloob na piyansa kay Enrile nais ipakansela ni Cagayan Gov. Mamba

By Dona Dominguez-Cargullo October 24, 2018 - 12:02 PM

Nais ni Cagayan Governor Manuel Mamba na ipakansela ng Office of the Ombudsman ang tinatamasang kalayaan ni dating Sen. Juan Ponce Enrile matapos payagang makapagpiyansa sa kasong plunder.

Sa kaniyang liham kay Ombudsman Samuel Martires, hiniling ni Mamba na gumawa ng hakbang ang Ombudsman para ihirit sa korte na kanselahin ang pagpayag na magpiyansa si Enrile.

Ayon kay Mamba at sa iba pang local leaders sa Cagayan, ang paghahain ng certificate of candidacy ni Enrile para tumakbong senador ay patunay na maayos ang kaniyang kalusugan.

Taliwas anila ito sa apela ni Enrile noon sa Korte Suprema na hindi maganda ang kondisyon ng kalusugan niya kaya hiniling niyang payagan siyang magpiyansa.

Sinabi ni Mamba na kung kakayaning kumandidato ni Enrile, ibig sabihin ay maayos naman ang kondisyon nito.

Magugunitang sa paghahain ng COC sinabi ni Enrile na hindi siya mangangampanya at hindi siya magpupunta sa iba’t ibang lugar.

Sa halip, gagamit na lang aniya siya ng social media para makapangampanya.

TAGS: Governor Manuel Mamba, Juan Ponce Enrile, Radyo Inquirer, Governor Manuel Mamba, Juan Ponce Enrile, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.