Bahagi ng Roxas Boulevard isasara sa mga motorista sa Sabado, Oct. 27

By Dona Dominguez-Cargullo October 24, 2018 - 11:44 AM

FILE PHOTO

Isasara sa daloy ng traffic ang bahagi ng Roxas Boulevard sa Sabado, Oct. 27, 2018 para sa 40th anniversary ng Jesus is Lord (JIL) Church sa Rizal Park.

Tatlong linya mula Kalaw hanggang P. Burgos saouthbound ang isasara sa mga motorista mula alas 12:01 ng madaling araw ng Sabado.

Ayon sa MMDA, pagsapit ng alas 10:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng hatinggabi ipatutupad na ang total closure sa kalsada.

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, gagamitin ng JIL ang Quirino Grandstand bilang venue sa anibersaryo kung saan tinatayang aabot sa 100,000 na katao ang dadalo.

Magtatalaga ng drop off point sa isang linya ng Kalaw, Bonifacio Drive at P. Burgos para sa mga bus na magbababa ng participants.

Kaugnay nito, inabisuhan na ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang nasabing lugar.

Itinalaga namang designated parking areas ang ilang lugar malapit sa Intramuros, Cultural Center of the Philippines at Philippine International Convention Center.

TAGS: metro, Radyo Inquirer, road closure, roxas boulevard, metro, Radyo Inquirer, road closure, roxas boulevard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.