Pumanaw na sa edad na 48 ang entertainment section writer ng Philippine Daily Inquirer na si Bayani San Diego Jr.
Kinumpirma ito ng kapatid niyang si Gina San Diego sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Ayon kay Gina, Miyerkules, Oct. 24 ng umaga pumanaw si San Diego.
Tumawag din sa PDI ang isa pang kapatid ni Bayani na si Sonia para kumpirmahin ang balita.
Ayon kay Sonia, ginising niya si Bayani alas 4:00 ng umaga dahil mayroon itong maagang flight patungong Japan para sa Tokyo International Film Festival.
Gayunman, hindi na ito nagising. Isinugod pa sa Perpetual Help Hospital sa Las Pinas City si Bayani pero idineklara ding dead on arrival.
MOST READ
LATEST STORIES