P2B halaga ng imported diesel sa small oil players ipapabenta ayon sa DOE
Desidido si Energy Secretary Alfonso Cusi na ipatuloy sa Philippine National Oil Company-Exploration Corporation ang planong pagbili ng P2 bilyong halaga ng diesel mula sa Singapore.
Sinabi ni Cusi na balak niya na ibigay ang aangkatin krudo sa mga maliliit na kumpaniya ng langis at bahala na ang mga ito sa distribusyon.
Paliwanag nito, ang mga maliliit na kumpaniya ang magsisilbing ‘selling network’ at maari sila na rin ang magbenta ng imported na krudo.
Sinabi naman ni PNOC-EC President Pedro Aquino na ang imported diesel ay maibebenta ng mas mura ng P5 kada litro.
Pangunahing target na mapagbentahan ng murang krudo ay ang mga pampublikong sasakyan.
Una na nang nag-alok ang Petron ng mas murang krudo sa gobyerno, ngunit mas gugustuhin ni Cusi na magbigay na lang ng diskuwento sa kanilang mga gasolinahan.
Katuwiran ni Cusi, ito ay para hindi na dumaan pa sa masalimuot na proseso kung tatanggapin ng gobyerno ang alok ng Petron.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.