Nagpanggap umanong mga pulis, piskal, o hukom ang mga suspek at saka nameke ng warrant of arrest o court decisions laban sa kanilang mga biktima at pagkatapos ay hihingan nila ito ng pera para mabasura ang kunwaring kaso.
Ayon sa Anti-Cybercrime Group (ACG), aabot sa 100 katao na nakatira sa China ang nabibiktima ng sindikatao kada araw.
Umabot na din umano sa milyun-milyong dolyar ang nakuha ng mga suspek sa kanilang biktima.
Sinabi ng ACG na ang mga miyembro ng sindikato ay nagrerenta ng condominium units sa Metro Manila at mga sa mga lalawigan.
Nasakote ang mga suspek sa pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa China sa PNP at natunton ang kinaroroonan nila sa Barangay Medina sa bayan ng Dingras.
Nakuhanan sila ng mga improvised at soundproof telephone booths, at scripts ng kung ano sasabihin nila sa mga biktimang kinakausap sa telepono.