25 Chinese at Taiwanese nationals arestado sa pagkakasangkot sa telecom fraud

By Dona Dominguez-Cargullo October 24, 2018 - 09:13 AM

Arestado ang dalawampu’t limang dayuhan na pawang Chinese at Taiwanese nationals sa Ilocos Norte dahil sa pagkakasangkot umano sa telecom fraud.

Nagpanggap umanong mga pulis, piskal, o hukom ang mga suspek at saka nameke ng warrant of arrest o court decisions laban sa kanilang mga biktima at pagkatapos ay hihingan nila ito ng pera para mabasura ang kunwaring kaso.

Ayon sa Anti-Cybercrime Group (ACG), aabot sa 100 katao na nakatira sa China ang nabibiktima ng sindikatao kada araw.

Umabot na din umano sa milyun-milyong dolyar ang nakuha ng mga suspek sa kanilang biktima.

Sinabi ng ACG na ang mga miyembro ng sindikato ay nagrerenta ng condominium units sa Metro Manila at mga sa mga lalawigan.

Nasakote ang mga suspek sa pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa China sa PNP at natunton ang kinaroroonan nila sa Barangay Medina sa bayan ng Dingras.

Nakuhanan sila ng mga improvised at soundproof telephone booths, at scripts ng kung ano sasabihin nila sa mga biktimang kinakausap sa telepono.

TAGS: Chinese Nationals, ilocos norte, taiwanese nationals, telecom fraud, Chinese Nationals, ilocos norte, taiwanese nationals, telecom fraud

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.