Starbucks binuksan ang kauna-unahang sign language store sa US

Photo: Joshua Trujillo of Starbucks

Binuksan ng Starbucks ang kauna-unahan nitong sign language store sa Washington DC.

Ang Starbucks store ay matatagpuan malapit sa Gallaudet campus, ang natatangging unibersidad sa buong mundo na nag-aalok ng buong curriculum para sa mga deaf.

Halos lahat ng staff ng Starbucks store ay deaf o hard-of-hearing at obligadong mag-communicate sa customers sa pamamagitan ng sign language.

Positibo naman ang pagtanggap dito ng mga estudyante ng naturang paaralan.
Anila nabigyan sila ng ibang lugar maliban sa kanilang campus.

Noong 2016 nagbukas ng kaparehong store ang Starbucks para sa mga deaf sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Read more...