Dalawang paring Pinoy sa Amerika, nahaharap sa kaso ng sexual abuse
Dalawang paring Pinoy sa Amerika ang nahaharap sa kaso ng sexual abuse.
Ang dalawang paring Pinoy ay kasama sa updated na listahan ng mga paring inireklamo ng sexual abuse na inilabas ng isang law firm.
Ang Jeff Anderson & Associates ang humahawak sa karamihan ng mga reklamong isinasampa laban sa mga pari.
Sa listahan, 263 na mga paring katoliko ang nahaharap sa sexual misconduct sa Amerika.
Sa nasabing bilang, 135 at mula sa Archdiocese ng San Francisco, 95 ang mula sa Diocese ng Oakland at 33 sa Diocese ng San Jose.
Isa sa mga paring Pinoy na napasama sa listahan ay una nang pinangalanan na si Angel Mariano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.