Visa ng mga Saudi official na sangkot sa pagkasawi ng isang journalist, pinawalang bisa ng US

By Dona Dominguez-Cargullo October 24, 2018 - 06:57 AM

Saudi Arabian Journalist Jamal Khashoggi

Binawian ng visa ng administrasyon ni US President Donald Trump ang mga Saudi Official na nasasangkot sa pagkamatay ng Saudi Arabian Journalist na si Jamal Khashoggi.

Kasabay nito, tinawag ni Trump na “worst cover-ups” sa kasaysayan ang ginawa ng Saudi.

Kabilang sa mga binawian ng visa ang mga opisyal ng Saudi government at intelligence agents na nasa Amerika.

Pinag-aaralan din na hindi na sila payagang makabalik ng US.

Una rito ay umapela ang mga miyembro ng US Congress para magpataw ng sanction ang Amerika sa Saudi Arabia dahil sa pagpatay kay Khashoggi.

Si Khashoggi na residente ng Amerika at sumusulat sa Washington Post ay nawala mula pa noong October 2 matapos makitang pumasok sa konsulada ng Saudi sa Istanbul, Turkey.

Ayon sa mga otoridad sa Turkey, biktima si Khashoggi ng pre-planned assasination operation, pero igniit ng Saudi officials na aksidente ang pagkasawi nito habang sinusubukan nilang kumbinsihin itong umuwi na.

Ayon sa Saudi government, si Khashoggi ay naka self-imoposed exile sa Amerika at sumusulat ng mga kritisismo laban kay Saudi Crown prince Mohammed bin Salman.

Sa imbestigasyon ng mga Turkish official, 15 lalaki ang nag-torture sa journalist hanggang sa masawi.

TAGS: jamal khashoggi, Radyo Inquirer, jamal khashoggi, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.