3 babae kabilang ang 2 menor de edad arestado sa buy-bust sa Marikina

By Dona Dominguez-Cargullo October 24, 2018 - 06:42 AM

Marikina Police Photo

Arestado ang tatlong babaeng kabilang ang dalawang menor de edad na pawang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Marikina City .

Ikinasa nag operasyon ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa bahagi ng Ampalaya St. Creek, Barangay Tumana.

Kinilala ni P/Insp. Greco Gonzales ang mga nadakip na sina Hazel Del Rosario, 19 anyos; at dalawang edad 16 at 17.

Ayon kay Gonzales, isang pulis ang nagpanggap na buyer at nang magpositibo ang buy bust ay doon na inaresto ang tatlong babae.

NAkuha sa kanila ang 8 sachet ng hinihinalang shabu, P500 na buy bust money at isang coin purse.

Si Del Rosario ay nakakulong na sa Marikina Police Station habang itinurn over naman sa kustodiya ng DSWD ang dalawang menor de edad.

 

TAGS: buy bust, Marikina City Police, Radyo Inquirer, buy bust, Marikina City Police, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.