Oposisyon, pormal nang ipakikilala ang Senatorial slate para sa 2019 elections
Nakatakdang ipakilala ng oposisyon ang kanilang official senatorial slate para sa 2019 midterm elections ngayong umaga.
Pangungunahan ni Vice President Leni Robredo ang presentasyon sa ‘opposition’ 8 sa Parang, Marikina, ganap na alas-9:00 ng umaga.
Kabilang sa ‘opposition 8’ sina dating interior secretary Mar Roxas, Senador Bam Aquino, Atty. Chel Diokno, former Quezon Rep. Erin Tañada, dating Solicitor General Florin Hilbay, Magdalo Rep. Gary Alejano, Marawi Civic leader Samira Gutoc at election lawyer Atty. Romulo Macalintal.
Nauna nang sinabi ni Vice President Leni Robredo na posibleng hindi nila bumuo ng complete slate o 12 senatorial candidates.
Ito anya ay dahil nais ng oposisyon na maibigay sa tao ang mga kandidatong dekalidad at hindi lamang ibinase sa popularidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.