FDA Chief sa pagkamatay ng tatlong pulis: ‘I feel guilty’

By Rhommel Balasbas October 24, 2018 - 04:19 AM

Pagkakonsensya ang nararamdaman ni Food and Drug Administration (FDA) Chief Nela Charade Puno matapos ang malagim na pagpatay sa tatlong pulis sa Lupi, Camarines Sur noong Huwebes.

Matatandaang nasawi sa ambush sina SPO1 Percival Rafael, PO3 Carlito Navarroza, and PO1 Ralph Jason Vida habang ineescortan si Puno na nakatakdang dumalo noon sa isang consumer event sa Daet, Camarines Norte.

Sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng mga nasawing pulis, inihayag ni Puno ang pagkakonsensya sa pangyayari.

Anya, kung hindi niya sana inutusan ang mga pulis na sumusunod sa kanyang sinasakyan na bagalan ang pagmamaneho ay maaaring sila ang na-ambush.

Nakausap na rin ni Puno ang kaanak ng mga biktima at sinabihan itong hindi dapat makaramdam ng pagkakonsensya.

Pinasalamatan ni Puno ang mga nasawi at sugatang pulis sa pagsagip sa buhay ng mga opisyal at kawani ng FDA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.