Drug suspek patay matapos manlaban sa mga pulis sa Bulacan

Dead on the spot ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Barangay Batia sa Bocaue, Bulacan.

Kinilala lamang sa alyas na Indio ang nasawing drug suspek.

Ayon sa Bocaue Municipal Police, ikinasa nila ang buy bust operation laban kay alyas Indio matapos mapag-alamang nagtutulak ito ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng Northville 5 sa Barangay Batia.

Nakatunog umano si alyas Indio na pulis ang katransalsyon, dahilan upang bumunot ito ng baril at paputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na dahilan ng agarang pagkamatay ng suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong plastic sachet ng shabu at isang kalibre 38 revolver.

Read more...