Drug suspek patay sa engkwentro sa Valenzuela City; menor de edad nahuli rin

By Justinne Punsalang October 24, 2018 - 01:16 AM
Photo: Valenzuela City Police/ Northern Police District

Nasawi ang isang drug suspek matapos manlaban sa mga otoridad sa Barangay Malinta, Valenzuela City.

Kinilala ang nasawing suspek na si Gerby Tenio alyas Bigote

Ayon sa mga otoridad, nakabili sila mg isang sachet ng shabu mula kay alyas Bigote.

Nang tangkang aarestuhin ng mga pulis ay bumunot ng baril ang suspek at nagpaputok. Gumanti ng putok ang pulisya na sa una ay ikinasugat lamang ni alyas Bigote.

Ngunit nang dalhin siya sa Valenzuela Medical Center ay idineklara na itong dead on arrival.

Samantala, isang 16 na taong gulang na binata naman ang hinuli ng mga otoridad matapos maaktuhang nakikipagtransaksyon sa kaparehong suspek. Narekober mula dito ang isang sachet ng shabu.

Sa ngayon ay dinala na sa City Social Welfare Deployment (CSWD) ng Valenzuela ang menor de edad.

Narekober mula sa nasawing suspek ang isang kalibre 38 baril na kargado ng mga bala, cellphone na gamit nito sa kanyang mga transaksyon, at 11 sachet ng shabu, bukod pa sa mga drug paraphernalia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.