DOJ maghahain ng motion for partial reconsideration sa korte kaugnay ng desisyon sa kaso ni Trillanes

By Len Montaño October 24, 2018 - 01:13 AM

Maghahain ang Department of Justice (DOJ) ng motion for partial reconsideration sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 sa Biyernes October 26 kaugnay ng ruling na hindi arestuhin si Sen. Antonio Trillanes IV.

Ang hakbang ng DOJ ay taliwas sa anunsyo ng Malakanyang na iaapela ng Solicitor General sa Court of Appeals (CA) ang desisyon ni Judge Andres Soriano.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ang apela ay para lamang sa factual findings ni Judge Soriano na naghain ang Senador ng application for amnesty at umamin ito ng guilt sa ginawang kudeta.

Una rito ay sinabi ni Guevarra na ang DOJ at hindi ang Solgen ang magdedesisyon ng sunod na hakbang sa kaso ni Trillanes.

Pahayag ito ng kalihim matapos sabihin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na diretsong aapela si Solgen Jose Calida sa CA at hindi na maghahain ng motion for reconsideration sa mababang korte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.