5,000 trabaho sa mga hotel sa Israel bukas para sa mga Pinoy
Magkakaroon ng 5,000 trabaho para sa mga Pilipino sa mga hotel sa Israel.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nagsabi ang Israel na mas gusto nila ang mga Pinoy para sa naturang mga trabaho.
Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na wala pang job orders o guidelines pero inaasahan na plantsado na ito sa Nobyembre.
Ayon sa Kalihim, maganda anya ang sweldo para sa hotel jobs sa naturang bansa.
Kung ang mga caregiver anya ay tumatanggap ng $1,350 hanggang $2,000 kada buwan, posibleng parehong sweldo rin para sa hotel workers.
Isa sa mga requirements ng aplikante na gustong makapasok sa hotel and restaurant industry ang Certificates mula sa Technical Educaiton and Skills Authority (TESDA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.