Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may nabuo nang conclusion ang IPU na may nagaganap na paglabag sa karapatang pantao dahil sa umanoy panggigipit ng administrasyon sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Senators Leila De Lima at Antonio Trillanes IV.
Sinabi pa ni Panelo, ipinamumukha pa ng IPU na mistulang hindi nabigyan ng due processs at patas na paglilitis ang dalawang senador.
Si De Lima ay nakakulong ngayon dahil sa kasong iligal na droga habang ipinawalang bisa naman ng pangulo ang amnestiya ni Trillanes sa kasong kudeta.
Dagdag pa ng opisyal, “In effect they are saying that the court that has acquired jurisdiction over De Lima was wrong in determining probable cause. And there’s ongoing trial, and then they are saying already that, ‘No, they were not given fair trial”.
Nakadidismaya pa ayon kay Panelo, dahil pinalalabas din ng IPU na hindi gumagana ang judicial system sa bansa.
Nanindigan pa si Panelo na walang anumang international human rights organization ang may hurisdiksyon sa Pilipinas dahil pakikialam na ito sa soberenya ng bansa.