NBI pasok na rin sa imbestigasyon sa Sagay massacre
Inutusan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpatay sa siyam na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental.
Ayon kay Guevarra, inutusan niya ang NBI na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa masaker ng mga nagtatrabaho sa Hacienda Nene.
Pinagsusumite ng kalihim ang NBI ng progress report at inobliga ang ahensya na maghain ng kaukulang reklamo laban sa mga gumawa ng krimen.
Ang imbestigasyon ng NBI ay hiwalay sa pagbuo ng task force ng Philippine National Police (PNP), Department of Agrarian Reform (DAR) at ibang ahensya na nagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program.
Samantala, nag-alok na ang lokal na pamahalaan ng Negros Occidental at Sagay City ng P500,000 na pabuya sa magbibigay ng impormasyon ukol sa mga pumatay sa mga magsasaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.