DOJ nanindigan na sila ang gagawa ng hakbang sa kaso ni Trillanes
Nanindigan ang Department of Justice na sila at hindi ang Solicitor General ang dapat na gumawa ng susunod na hakbang sa bigo nitong hirit sa makati Regional Trial Court Branch 148 na pagpapa aresto kay Senador Antonio Trillanes IV.
Sinabi ito ni Justice Sec. Menardo Guevarra bilang reaksyon sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na direkta nang aapela si Solicitor General Jose Calida sa Court of Appeals para baligtarin ang pasya ni jJudge Andres Soriano.
Sa isang pahayag, sinabi ni Guevarra na ang DOJ ang magpapasya sa susunod na ligal na hakbang sa kaso ni Trillanes.
Iginiit ni Guevarra na ang mga prosecutor sa ilalim ng DOJ ang kumakatawan sa pamahalaan sa Makati RTC.
Katunayan ang mga prosecutor nila ang nagsumite ng mosyon para ipaaresto at pigilan ang paglabas sa bansa ni Trillanes at naghain ng pleadings na hiningi ng hukuman.
Ipinaliwanag ng kalihim na pagpapasyahan ang susunod nilang hakbang ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.