Mocha Uson kusang-loob na nagpa-drug test sa PDEA

By Isa Avedaño-Umali October 23, 2018 - 04:10 PM

Photo: Mocha Uson blog

Personal na nagtungo ang kontrobersyal na blogger at dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) assistant secretary na si Mocha Uson sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA para sumailalim sa voluntary drug testing.

Si Mocha ay nauna nang naghain ng kanyang kandidatura para 2019 midterm elections, bilang kinatawan ng AA-Kasosyo Partylist.

Ibinigay ni Mocha sa PDEA ang kanyang urine sample na isasalang sa pagsusuri kung positibo o negatibo sa droga.

Kasabay ng kanyang pagpapa-drug test ay hinamon ni Mocha ang iba pang mga kandidato sa halalan, mula mga senador hanggang sa mga lokal na opisyal na kung wala namang itinatago ay dapat daw na magboluntaryong magpasuri rin.

Partikular na pinatatamaan ni Mocha ang aniya’y terrorist sympathizers na nagtatago raw sa anyo ng partylist.

Samantala, natanong kay Mocha kung ano ang reaksyon niya sa ginawang pagtanggal ng Facebook sa mga spam account, kabilang na ang mga page ng mga Duterte supporter.

Ani Mocha, sana raw ang pantay-pantay at dapat pati ang spam accounts ng kabilang panig ay tanggalin na rin.

Ang tinutukoy ni Mocha ay ang mga anti-Duterte accounts lalo na raw ang mga pinatatakbo ng mga “Dilawan”.

Giit ni Mocha, unfair dahil bakit ang mga DDS lamang ang tinarget, kaya sana raw ay maging parehas ang Facebook.

TAGS: drug test, mocha uson, partylist, PDEA, drug test, mocha uson, partylist, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.