Malacañang dedma sa pagsara ng Facebook sa ilang pro-Duterte accounts

By Chona Yu October 23, 2018 - 04:06 PM

Hindi nababahala ang Malacañang sa desisyon ng Facebook na ipasara ang mahigit isandaang pro-Duterte pages at accounts.

Bukod sa mga pro-Duterte account, isinara rin ng Facebook ang ilang account na pabor naman kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, may iba pang social media account na maaring magpahayag ng suporta ang mga pro-Duterte.

Halimbawa na lamang aniya ang Twitter at Instagram.

Ayon kay Panelo, iginagalang ng palasyo ang pagpapasya ng Facebook na ipasara ang ilang pro-Duterte account dahil sa mga pinaiiral na rules and regulations.

Aabot sa 95 pages at 39 pro-Duterte accounts ang ipinasara ng Facebook.

Kabilang na ang Duterte media, Duterte sa pagbabago bukas, DDS, Duterte phenomenon, Duterte trending news at Manang Imee.

TAGS: dds, facebook, Instagram, panelo, pro duterte, Twitter, dds, facebook, Instagram, panelo, pro duterte, Twitter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.