Pagtatayo ng Makati Subway System tuloy na

Binigyan na ng “go signal” ng pamahalang panglungsod ng Makati ang IRC Properties Inc. Para sa pagtatayo ng $3.7 Billion na subway project.

Kinumpirma ni IRC accounting manager Keith Roger Castillo na natanggap na nila ang mga kinakailangang dokumento para sa Public-Private Partnership (PPP) Center at Makati City local government para sa nasabing proyekto.

Ang Makati Subway System ay bahagi ng joint venture agreement kung saan ay nai-award na sa IRC ang notice of award for the construction and operation.

Nakapaloob sa proyekto ang 11-kilometer intra-city subway mass rail transport system na kabibilangan ng sampung mga subway stations na magdurugtong sa dalawang distrito ng lungsod.

Inaasahang aabot sa 700,000 mga pasahero araw-araw ang makikinabang sa subway system na mag-uugnay rin sa Metro Rail Transit at Pasig River Ferry.

Nauna nang sinabi ng IRC na kabilang sa binubuong consortium ang Greenland Holdings, Jiangsu Provincial Construction Group, Kwan On Holdings, Ming Tu Investment Holdings at China Harbour Engineering Construction Limited.

Sa ngayon ay isasapinal na lamang ang petsa ng pagsisimula ng naturang proyekto.

Read more...