Pagbasura sa hirit na arrest warrant vs Trillanes iaapela ng SolGen sa CA

By Chona Yu October 23, 2018 - 12:31 PM

Ihahain ni Solicitor General Jose Calida sa Court of Appeals ang apela sa pagbasura ng Makati Regional Trial Court sa mosyon ng pamahalaan na ipaaresto si Sen. Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos ibasura kahapon ni Makati RTC branch 148 Judge Andres Soriano ang hirit ng pamahalaan na mag isyu ng warrant of arrest laban kay Trillanes matapos ipawang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tinatamasa niyang amnestiya.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakausap na niya si Calida Martes ng umaga at sinabi nitong maghahain siya ng motion for reconsideration sa CA.

Kinukwestyun din ni Panelo ang naging desisyon ni Soriano gayung hindi naman nakita nito ang dokumento kaugnay sa naging aplikasyon ni Trillanes para sa amnestiya.

 

TAGS: court of appeals, jose calida, Radyo Inquirer, court of appeals, jose calida, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.