NLEX-SCTEX-CAVITEX handa na sa dagsa ng mga motorista na uuwi sa probinsya para sa Undas
Tiniyak ng Metro Pacific Tollways Corporation o MPTC na handa na sila sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga motorista na NLEX-SCTEX-CAVITEX.
Simula Oct. 26, 28, 31 at Nov. 1, magbubukas ng 28 toll collection points sa Balintawak Toll Plaza.
Habang sa Mindanao Avenue naman, Tarlac at Tipo Toll Plaza ay magbubukas ng 10 hanggang 20 toll collection points.
Maglalagay rin sila ng porta booths at portable toll collections equipment para mapabilis ang waiting time ng mga motorista sa toll plaza.
Sususpendihin rin ng MPTC ang lahat ng construction sa kahabaan ng mainline road ng NLEX-SCTEX-CAVITEX.
Magsisimula ito alas 5:00 ng hapon ng Oct. 26 hanggang alas 9:00 ng umaga ng November 5, para hindi makaabala sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga motorista na dadaan sa expressways para umuwi sa mga probinsya sa Norte, alinsunod na rin sa pagguniat ng Undas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.