Ito ang paglilinaw ng pamunuan ng NAIA sa pakikipagpulong sa mga airlines at mga groundhandlers maging ng mga ahensya ng gobyerno na nag-ooperate sa mga paliparan.
Maliban sa mga pagbabago sa EDSA at pagsasara ng magkabilang linya ng Roxas Boulevard simula sa Katigbak Drive hanggang NAIA Road ay bukas naman sa mga motorista ang mga kalsadang patungo sa NAIA.
Kabilang dito ang Aurora Boulevard mula EDSA, Andrews Avenue, at ang South Luzon Expressway.
Una nang inilabas ng MMDA ang listahan ng mga kalsadang isasara mula November 16 hanggang 20 para sa APEC summit.
Ayon sa MMDA, sarado ang magkabilang direksyon ng Roxas Boulevard at NAIA road mula Katigbak hanggang MIA simula alas 12:01 ng madaling araw ng November 16 hanggang November 20.
Simula naman alas 6:00 ng umaga hanggang hatinggabi ng November 18 ipatutupad ang road closure sa Mall of Asia Arena.
Sarado rin ang mga kalsada sa Cultural Center of the Philippines mula November 16 hanggang 20.
Nagtalaga rin ang MMDA ng designated APEC lanes sa kahabaan ng EDSA.
Para lang sa authorized vehicles ang dalawang innermost lanes ng EDSA mula Shaw boulevard hanggang Roxas Boulevard sa magkabilang direksyon mula November 16 hanggang 20.
Puwedeng gamitin ng mga motorista ang Mabuhay Lanes na alternatibong ruta papunta sa kanilang mga destinasyon.
Paalala naman ng MMDA, mayroon pa ring number coding mula November 16 hanggang 20.